Langgam
Alam niyo na dito sa amin sa bayan ng Alaminos, Lalawigan ng Laguna na hindi lang langgam ang tawag sa mga langgam may iba’t-ibang klase ito.
- Guyam- ito ang klase ng langgam na sobrang liit, yung makikita sa mga tinapay na matagal na nakatago at may nakitang sobrang liit na langgam, GUYAM ang tawag doon. Hindi ito masakit kapag nangagat.
- Ulandis- ito naman ang klase ng langgam na madalas nating nakikita sa kamaynilaan. Ito ay saktong langgam, hindi kalakihan at hindi naman kaliitan. Sakto lang ang sakit na mararamdaman mo kapag kinagat ka nito. May pula at itim nito.
- Langgam- ito yung normal na talaga na nakikita ng mga tao. Mas malaki ito ng konte sa ulandis. Pula ito na pamilyar sa kahit sino.
- Hantik- klase ng langgam na maitim. Medyo malaki na ito na kulay itim na matatagpuan sa ilalim ng lupa. Hindi ito nangangagat. Ginawa namen dito nung kabataan ay pinagsasabong sa isa’t-isa.
- Hantik Balog- Ito naman ay kulay pula na langgam na may kalakihan. Madalas ito matatagpuan sa kagubatan, sa mga puno ng kape. Masakit ito makagat.
- Mamimigtal- Ito ang pinakamasakit mangagat sa lahat ng langgam na nabanggit kumbaga ito na ang worst, talaga namang mapapasigaw ka ng malakas kapag nakagat ka nito. Matatagpuan din ito sa mga puno sa kagubatan o kung saan mang puno ng lanzones, rambutan at niyog. Dito kami takot na takot kapag nakakita nito noong kabataan.Magingat sa malaki at kulay pula na ito. Medyo malaki ito ng konte sa Hantik Balog.
Dito lang samen kapag may nakakita ka ng langgam hindi lang basta langgam tawag kundi gagawin pang mas specific hahaha. Kung sa kamaynilaan pare-parehong langgam lang tawag sa mga yan kapag napabisita ka dito samen matatawa ka dahil yung akala mong langgam lang eh may mas malalim pa na tawag.
GAME: Paano mo bibigkasin ang LANGGAM na hindi naglalapat o nagdidikit ang dalawa mong labi? :) Try mo!
(Source: vladzoholic)





